|
Kapag pakiramdam kong walang pagmamahal akong nakukuha
At wala akong pagmamahal na maibigay...
Kapag pakiramdam kong hiwalay ako sa mundo...
At malayo sa sarili...
Kapag ako nayayamot sa kahit anong bagay...
Dahil hindi ko makuha ang nais ko..
Aalalahanin ko na may walang hanggang pagmamahal na makakamtan ko…
At makikita ko iyon sa'yo.
Aalalahanin kong kumpleto ako sa aking sarili..
Kung kaya't di ko kinakailangan hanapin sa'yo para makumpleto ako.
At higit sa lahat, aalalahanin kong ang lahat ng kinakailangan ko ay nasa akin na,
At ano man ang wala pa ako ay darating din sa akin
kapag handa na akong tanggapin iyon.. |